Mga tagasunod

Lunes, Hunyo 18, 2012

Buhay Estudyante

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, palagi ko na lamang problema kung papaano ako makakapunta sa paaralan ng ligtas at maayos at buong-buo. Mahirap na masarap ang maging estudyante. Kelangan ko pa bang sabihin o ipaliwanag kumg bakit mahirap at masarap ang buhay estudyante? Eh alam ko naman na lahat tayo naranasan maging estudyante..

Ito ang mga problemang kinakaharap ko sa tuwing ako'y tutungo sa paaralan..

Una, gigising ka sa madaling araw para mag-ayos ng sarili at para ihanda ang almusal mo. At dahil sa malaki na ako nasa kolehiyo na, hindi ba't parang nakakahiya namang magpaasikaso pa sa magulang mo?

Pangalawa, at dahil sa babae ako marami pa akong seremonyas na ginagawa sa sarili ko bago pumasok. Plantsa ng buhok at konting ayos ng pagmumukha para naman magmukha akong tao at hindi yung tipong naubusan ka na ng dugo sa katawan.

Pangatlo, hirap na hirap ako sa uniporme ko. Nakakairita talaga kapag nakapalda ka. Ang hirap sumakay ng tricycle, jeep, fx, bus at kung anu-ano pa. Hirap ka na nga sa kakaayos ng palda mo, may mga GAGONG LALAKI pa ang mamboboso sayo. Yung tipong mababali na leeg nila makasilip lang. Tangnang yan!


Pang-apat, nahihirapan akong tumawid sa kabilang kalsada ng Samat(Lugar kung saan ako sumasakay ng FX) Dahil sa totoo lang walang matinong tawiran doon. Walang Pedestrian Lane at minsan lang magkaroon doon ng traffic enforcer. Nakikipagsapalaran ako sa pagtawid doon dahil dere-deretso lang ang takbo ng mga sasakyan doon. Swerte na nga lang ako at may ilang drayber na humihinto para makatawid ako ng ligtas at maayos. Yung iba pinapatawid ako dahil may malasakit sila sa akin bilang estudyante. At yung iba naman, kaya sila hihinto para makatawid ka para magpapogi at yung iba nambabastos pa. Lalo na yung mga drayber ng mga jeep at truck, kung titingnan sa telebisyon eh nakakaawa naman talaga, pero ni hindi nila ginagalang ang isang estudyanteng katulad ko. BWISET!

Pang-lima, at dahil sa FX ang sinasakyan ko papuntang school, nahihirapan din akong sumakay ng FX dahil palaging puno at konti lang naman talaga ang bumabyahe na FX kesa sa mga jeep. Teka, oo nga at pwede naman akong mag-jeep. Eh bakit hindi na lang ako mag-jeep? Dahil pasosyal ako at gusto kong naka-aircon?  Hindi. Hindi sa ganun yun. Masyadong trapik sa Manila lalo na pagdating sa may Baltaw papuntang Mendiola. Nagshoshort cut kasi ng daan ang FX kesa sa jeep. Pag nag-jeep ako mahuhuli ako sa klase ko, di katulad ng FX nagshoshort cut. Kung ako nga lang ang tatanungin ayoko ng mag-FX dahil ang mahal ng pamasahe. Pero ganun talaga eh.

Pang-anim, pagbaba ko ng FX, Puro problema agad ang sasalubong sayo. Mabahong mga kanal, puro usok na nagmumula sa mga pampubliko at pribadong mga sasakyan. Maiingay na makina na tinatawag na "kuliglig". Mga taong nagtatakbuhan sa pagtawid. Mga batang lansangan na nanghihingi sayo ng pera o pagkain. At kapag hindi mo sila inabutan asahan mong mumurahin ka nila at tatakutin na ipapagahasa at ipapaholdap sa mga kakilala nila na naghahari-harian sa lansangan. Pesteng yawa!  Mga nagtitinda sa gilid ng kalye na lalong nagpasikip at nagpagulo ng lugar. Shet! Ang sakit nyo sa mata. Walang duda. Nasa Mendiola na nga ako.

Pang-pito, nasa school zone ka na nga. Hirap ka pa ring tumawid. May mga ilang drayber pa din ng mga pampublikong sasakyan ang hirap makaintindi na dapat mabagal lang ang pagmaneho dahil nasa "school zone" sila. Ewan ko ba sa kanila. Hirap makaintindi. Kaya sila minamaliit ng mga nakapagtapos na mamamayan ng mapanghusgang lipunan na ito dahil sa simpleng batas panlansangan hindi pa nila kayang sundin. Iniisip kasi nila, nag-aagawan sila ng mga pasahero. Hay. Buhay nga naman. May mga pasaway din na mga propesyonal na mamayan. Yung mga tinatawag nating nasa unang tuktok ng lebel ng lipunan---mayayaman kung tawagin. Hindi ko alam kung bakit may mga ilang nakakakotse na ginagawang karerahan ang Mendiola. Oo na. Sige na. May kotse ka na at kaming hindi nabiyayaan ng kakarampot na kayaman ay naglalakad laamang. Hindi ko din alam kung ano ang gusto nilang ipamukha. Buhay nga naman.


Pero sa kabila ng mga reklamo kong yan. Masasabi ko na ang sarap pa rin maging isang estudyante. Papasok ka ng paaralan para may matutunang aral o leksyon, makikipagbonding ka sa mga kaibigan mo,sabay-sabay kakain sa paborito ninyong kainan. At pagkatapos ng klase labo-labo na. Pero masasabi kong mas masarap pa rin maging estudyante lalo na kung yung mga simpleng reklamo mong yan ay kayang lutasan ng gobyerno at mismong mga sarili natin hindi ba't napakagaan ng buhay?


Sya nga pala, estudyante ng CEU. ;)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento